Service Contracting Payouts sa drivers at operators, umabot na sa P4.7-B; mga nakinabang sa libreng sakay ridership, pumalo na sa 53.2 milyon

Aabot na sa mahigit P4.7-B ang kabuuang halaga na naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper at operators na lumahok sa Service Contracting Program sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Ayon sa LTFRB, sa ilalim ng Service Contracting Program Phase I, may kabuuang mahigit 1.9-B ang naibigay na kabayaran at insentibo as of June 30, 2021, habang umabot na sa mahigit Php2.2-B ang halagang naipamahagi ng ahensya mula September 13, 2021 hanggang October 23, 2021.

Sa pagpapatuloy naman ng Service Contracting Program Phase II sa ilalim ng General Appropriations Act, mahigit P539,672,859 na ang kabayarang naipamahagi sa mga tsuper at operators mula September 13, 2021 hanggang October 23, 2021.


Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, magpapatuloy ang Service Contracting Program sa iba’t-ibang parte ng bansa bilang tulong sa mga tsuper at operators na na-apektuhan ng COVID-19 pandemic.

Samantala, bilang bahagi pa rin ng programa umabot naman sa 53,226,651 na mga medical frontliners, authorized persons outside of residence at iba pang essential workers ang naserbisyuhan ng libreng sakay.

Ayon sa datos ng LTFRB, nasa 31,653,982 milyon ang ridership ng ‘Libreng Sakay’ mula March 30, 2021 hanggang June 30, 2021, habang pumalo naman sa 21,572,669 milyon ang ridership na napagserbisyuhan ng programa mula September 13, 2021 hanggang October 24, 2021.

Facebook Comments