Hinihintay na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pondo mula sa department of Budget and Management (DBM) upang maikasa na ang ikatlong Service Contracting Program.
Ang Service Contracting Program ay proyekto ng Department of Transportation (DOTr) na nagbibigay sa mga tsuper at operators ng Public Utility Vehicles (PUV) ng performance-based incentives sa kada linggo na nagkakaloob naman ng libreng sakay sa mga commuters.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni LTFRB Regional Director Zona Russet Tamayo na kapag nai-download na ang pondo ay agad na nila itong maipatutupad sa buwan ng Abril.
Ani Tamayo, dahil mas pinalaki ang pondong laan para rito, inaasahan na mas maraming PUV ang lalahok sa programa.
Base sa tala nila nuong isang taon, nasa 44-M mga mananakay ang nakinabang sa libreng sakay dulot ng Service Contracting Program sa buong bansa.