Service contracting program, palalawakin ng LTFRB sa iba pang PUVs

Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang service contracting program nito sa iba pang uri ng public utility vehicles sa gitna ng sunod-sunod na oil price hikes.

Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, palalawakin ang coverage ng programa para maisama rito ang jeepneys, UV express at ang iba pang uri ng transportasyon.

Sa kasalukuyan, mga drivers lamang ng public utility buses ang saklaw ng programa.


Paliwanag pa ni Cassion, tumaas ng P7 billion ang budget ng ahensya ngayong taon mula P3 billion noong 2021.

Sa ilalim ng nasabing programa, maaring makatanggap ang mga operators at drivers ng one-time payout na aabot sa P4,000 at weekly payments na base sa kilometrong naibabyahe kada linggo, meron man o walang pasahero.

Facebook Comments