Service Crew, Arestado sa Carnapping!

Santiago City, Isabela- Naaresto na ang suspek sa pagtangay ng isang motorsiklo noong Pebrero 6, 2018 sa isinagawang follow-up operation ng PNP Station 1 Santiago City ngayong araw, Pebrero 8, 2018 sa Brgy. Calaocan, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Dennis Calimag, 19 anyos, at residente ng Brgy. Anonang, San Guillermo, Isabela samantalang nakilala naman ang biktima at may-ari ng motorsiklo na si Dang Cecille Guieb, 28 anyos at residente ng Cabarroguis, Quirino.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Police Chief Inspector Rolando L. Gatan ng Station 1 PNP Santiago City, Ipinarada umano ng biktima ang kanyang motorsiklo sa isang parking area subalit nakalimutang hugutin ang kanyang susi ng motor bago ito umalis.


Sumunod namang pumarada sa tabi ng motor ng biktima ang suspek gamit ang kanyang motorsiklo at agad ding umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik sa parking area ang suspek at pasimpleng tinangay ang motorsiklo ni Guieb at binalikan pa ang kanyang motorsiklo.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na hawak na ngayon ng pulisya.

Mahaharap ngayon sa kasong Carnapping ang suspek matapos magsampa ang biktima.

Facebook Comments