SERVICE IMPROVEMENT | Ilang bahagi ng Pasig City, makakaranas ng water interruption

Pasig City – Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Pasig City simula Lunes, Marso 12 hanggang Martes, Marso 13.

Sa abiso ng Manila Water, walang tubig simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga, kinabukasan (March 12) sa ilang lugar sa Barangay Ugong at Bagong Ilog.

Nabatid kasi na magsasagawa ng service improvement ang Manila Water sa mga naturang lugar.


Pinapayuhan ang mga residente na maapektuhan ng water interruption na mag-ipon ng sapat na suplay ng tubig upang hindi maabala. <#m_-3441852225675207889_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments