Manila, Philippines – Babyahe ang Services-on-Wheels program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa bayan ng San Jose sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ayon kay TESDA Regional Director Carlos Flores, ang Services-on-Wheels ay isang one-stop-shop kung saan dala ng TESDA ang mga eksperto at serbisyo nito sa mga tao.
Sa loob ng dalawang araw na pagbisita sa Feb 27 & 28, ang ahensya ay namahagi ng mga dokumentasyon at sertipiko ng accreditation sa mga trainer, assessor at mga paaralan.
Lumagda din sa isang Memorandum of Agreement kasama ang Occidental Mindoro State College, Department of Education at Bureau of Jail Management and Penology para sa Pisara sa Selda program, na nagbbibigay ng livelihood training sa mga bilanggo.
Sinabi ni Flores, ang ahensya ay nagbibigay ng scholarship programs sa mga espesyal na sektor bilang bahagi ng 17-Point Reform and Development Agenda ng TESDA.
Ang ilan sa mga espesyal na sektor ay ang Persons With Disability (PWD), Rebel Returnees (RR), Indigenous Peoples (IPs), bilangguan at sektor ng kababaihan at iba pa.