Service provider ng MRT, pilit na itinatanggi ang mga pekeng spare parts ng MRT3

Manila, Philippines – Nanindigan ang maintenance provider na Busan Universal Rail Incorpration o BURI na hindi sila nag-install ng pekeng spare parts sa MRT3.

Sa padinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, kinontra ng mga opisyal ng Department of Transportation ang BURI sa pagtanggi na hindi sila nag-install ng mga fake spare parts ng MRT3 na nabili lang sa Makati.

Dito ay nagpakita ang mga opisyal ng DOTr ng mga dokumento na magpapatunay na nag-install ang BURI ng kwestyunableng spare parts sa MRT.


Sinasabing ang Diamond Pearl ang kinuhang supplier ng signaling system ng MRT na vehicle logic unit (VLU) at na-installito ng BURI noong November 2016 at April 2017.

Pero lumalabas na hindi otorisadong supplier ang Diamond Pearl kundi ang Bombardier Transportation Signal Limited.

Pero ayon sa mga opisyal ng BURI, hindi nila ginamit ang VLU mula sa Diamond Pearl sa MRT 3 dahil sa kulang ito sa dokumentasyon.

Sa katunayan, ang mga ito umano ay nai-pullout noong buwan ng Agosto.

Hindi naman nakasipot ang opisyal ng diamond pearl na si Marlou Dela Cruz sa hearing kaya isasabpina ito ng Good Govt Committee para mapilitang humarap sa susunod na pagdinig.

Facebook Comments