Pinatataasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng mas mataas na service recognition incentives o SRI sa mga pampublikong guro.
Ang SRI ay ang taunang financial incentive na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa kalidad at nakatutugon na serbisyo publiko.
Mula sa dating P18,000, target ng pamahalaan na gawing P20,000 ang ibibigay na SRI sa higit 1-M DepEd personnel.
Welcome naman ito kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil maitataas nito ang morale ng mga guro na may mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral.
Inatasan ng Pangulo ang Department Budget and Management at DepEd na hanapan ng pondo ang SRI increase nang hindi naman makaapekto sa fiscal responsibilities ng pamahalaan.
Inaasahan naman ang pag-anunsyo sa Malacañang kaugnay rito sa mga susunod na araw habang isinasapinal ng DBM at DepEd ang funding mechanisms.