Service recognition incentives ng mga pulis, tiyak na maibibigay

Walang katotohanan ang kumakalat na mga pekeng dokumento tungkol sa umano’y hindi pagbibigay ng service recognition incentives sa mga pulis.

Ayon kay Philippine National Police PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, kasalukuyang nasa proseso na ang pagbibigay ng SRI at inaasahang ito ay ilalabas sa December 26.

Aniya, aabot sa ₱20,000 ang SRI ng bawat pulis, alinsunod na rin sa kautusan na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang pero nakadepende pa rin sa pondo ng bawat ahensya.


Kasunod nito, nagpasalamat si Fajardo sa liderato ng PNP dahil may sapat na pondo para maibigay ang buong halaga ng SRI na pamasko sa bawat myembro ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments