
Sunod-sunod na anti-illegal drug buy-bust operations ang isinagawa ng iba’t ibang Municipal Police Stations sa Pangasinan, katuwang ang PDEA RO1, mula gabi ng February 9 hanggang madaling-araw ng February 10, 2026 na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na street-level individuals (SLI) sa magkakahiwalay na bayan.
Sa mga operasyon sa Mabini, San Fabian, Sta. Barbara, Pozorrubio, Binmaley, Mapandan, Bayambang, Balungao, at Mangaldan, nasamsam ang kabuuang ilang gramo ng hinihinalang shabu na may pinagsamang Standard Drug Price (SDP) na umaabot sa libo-libong piso, kasama ang mga marked at boodle money, cellphone, motorsiklo, tricycle, at iba pang personal na gamit.
Sa Pozorrubio, isang improvised na baril at mga bala ang nakumpiska mula sa suspek.
Isinagawa ang inventory at marking ng mga ebidensya on-site sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng mga suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.
Patuloy na pinaiigting ng Pangasinan PNP, sa pakikipagtulungan sa PDEA RO1, ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga komunidad sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










