
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may naitalang serye ng malakas na pagsabog sa silangang bahagi ng Palawan kahapon.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, na-monitor ang rocket-related activity kung saan nakita ang condensation trail na posibleng mula sa rocket exhaust.
Posible umanong may kaugnayan ito sa rocket launch ng China batay na rin sa inilabas na abiso ng PCG sa publiko matapos isinagawa ang launch mula Wenchang, Hainan Province pasado alas-sais ng gabi kahapon.
Tiniyak naman ng PCG na patuloy nilang ipa-prayoridad ang kaligtasan at pagprotekta sa karagatang nasasakupan ng bansa.
Pinayuhan din ang publiko lalo na ang mga naglalayag na mag-ingat at agad na i-report sa local PCG stations sakaling may makitang potensiyal na debris mula sa rocket launch.









