SERYE NG OIL PRICE HIKE, NAGPAPATULOY; PANIBAGONG TAAS PRESYO NG MGA PRODUKTONG LANGIS, MULING IPAPATUPAD BUKAS

Nagpapatuloy ang serye ng bigtime oil price hike ng mga produktong petrolyo at panibagong taas presyo na naman ang ipapatupad na epektibo bukas, August 29, ngayong taon.
Una na ang presyo ng kada litro ng Gasoline, na nasa 0.30 cents ang taas nito, habang 0.70 cents naman ang pagtaas sa kada litro ng Diesel, samantalang mga umentong 0.80 cents din kada litro ng Kerosene.
Ilang mga driver ng pampasaherong sasakyan sa lungsod ng Dagupan ang umalma sa hindi na umano matapos tapos na price hike ng mga langis bagamat aminado ring wala naman silang magagawa umano kung hindi ang magpakarga pa rin upang maipatuloy ang pamamasada na siyang isa sa kanilang pinagkukunan ng panggastos.

Isang nakikitang dahilan nito ang pagbabawas sa produksyon ng langis sa Saudi Arabia ng nasa isang milyong bariles.
Samantala, matatandaan na ayon kay sa ahensyang PISTOL, possible pa umanong magtagal ang nararanasang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo hanggang sa susunod pang mga buwan at hindi rin umano matiyak ng Department of Energy kung kailan titigil sa pagtaas sa presyo ang mga ito. |ifmnews
Facebook Comments