Serye ng pag-atake sa Sri Lanka, kinondena

Nagpaabot na ng simpatya ang Malacañan sa Sri Lanka kasunod ng serye ng pagsabog sa mga simbahan at hotel na ikinamatay ng higit 200 katao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nakikiramay ang Pilipinas sa pamilya ng mga biktima.

Inalala rin ang sumisiglang ugnayan ng Pilipinas at Sri Lanka.


Kinokondena rin ng Palasyo ang pag-atake sa mga simbahan at hotel na itinapat pa sa araw ng mataimtim na pagdarasal at pagninilay-nilay.

Hindi dapat hayaang manaig ang terorismo sa lipunan at sa ating bansa, lalo na sa buong mundo.

Dapat magkaisa ang sangkatauhan na iwaksi ang galit, kahirapan at bigotry, at isulong ang growth at development  sa bawat bansa lalo na ang kapayapaan sa mundo.

Facebook Comments