Serye ng pagsabog sa Lanao del Norte, iniimbestigahan

Lanao del Norte – Patuloy na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong pagsabog sa Lanao del Norte.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Bernard Banac, inaalam pa nila kung ano ang motibo sa nasabing mga pambobomba at kung sino ang may kagagawan nito.

Aniya, hindi naman kasi kasama sa ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ang bayan ng Lala, Kauswagan at Sultan Naga Dimaporo kung saan nangyari ang mga pagsabog.


Facebook Comments