Serye ng patayan na may kinalaman umano sa war on drugs ng pamahalaan, pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga pagpatay na may kinalaman umano sa pinaigting na war on drugs ng pamahalaan.

Sa ipinalabas na Department Order ni Aguirre – inaatasan nito ang NBI na magsumite ng status report sa mga iimbestigahang kaso.

Una ng sinabi ni Justice Undersecretary Reynante Orceo – na dinidinig na sa korte ang mga kasong may kaugnayan umano sa extra judicial killings.


Bumuo na rin ang pamahalaan ng inter-agency committee para maresolba ang sinasabing torture, mga kaso ng pagkawala at paglabag sa karapatang pantao.

DZXL558

Facebook Comments