SERYOSO | Internal cleansing sa PNP, dapat patindihin pa

Manila, Philippines – Pinuri ni Senator Win Gatchalian ang pagsibak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald Bato Dela Rosa sa 398 na Police Officer at 1,216 pa na sangkot sa iligal aktibidad at iba pang iregularidad.

Para kay Gatchalian, ang hakbang ni Dela Rosa ay nagpapatunay na seryoso ito sa paglilinis sa PNP laban sa mga tiwali.

Diin ni Gatchalian, dapat ipagpatuloy at pagibayuhin pa ni General Bato ang internal cleansing sa PNP hanggang matanggal ang lahat ng kasapi nito na hindi tumutupad sa mandato at misyon ng PNP.


Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang tungkulin ng Pambansang Kapulisan na pagsilbihan at proteksyunan ang mamamayang Pilipino.

Facebook Comments