Manila, Philippines – Seryoso ang pamunuan ng Manila Traffic Parking Bureau sa kanilang kampanya tungkol sa mga kuliglig na bumabiyahe sa Maynila.
Karamihan sa mga kuliglig ay ginagamit para ibiyahe ang mga panindang gulay.
Ayon kay MTPB Chief Dennis Alcoreza , kapag walang permit na naipakita sa kanila ang mga driver ay mai-impound ang minamaneho nilang kuliglig pero kung mayroon naman ay makakaalis na rin sila agad.
Sa panig naman ng mga nagmamaneho ng kuliglig sinabi ni Ericson Amaro na nahihirapan siya na kumuha ng permit sa Manila City Hall ang isa naman sa mga nasita, nakaalis din matapos makitang nasa master list ng may permit ang pangalan ng driver.
Paliwanag ni Alcoreza na pitong kuliglig ang kinailangang iimpound dahil walang permit ang mga driver atq kinakailangan munang kumuha ng permit bago matubos ang kanilang kuliglig.
Ilang araw nang nagsasagawa ng operasyon ang MTPB para mahuli ang mga walang permit na kuliglig.