𝗦𝗘𝗥𝗬𝗢𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗠𝗕 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗬𝗥𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔

Dahil sa natanggap na bomb threat ng Daniel Maramba National High School isang paaralan sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan may seryosong babala ang mga awtoridad sa mga nagpapakalat ng bomb threat.
Ayon sa mga awtoridad hindi biro ang pagpapakalat ng isang Bomb Threat sa mga pampublikong lugar dahil maaari itong pagmulan ng disgrasya at panic sa mga tao.
Sa ilalim ng batas, maaaring mapatawan ng kaso ang sinumang mapapatunayang nagpakalat ng ganitong senaryo kung saan base sa Presidential Decree 1727, ipinagbabawal ang pagkakalat ng mga bomb threat, mga Paliparan, mga eskwelahan o mga libangan tulad ng mga mall at marami pang iba.

Dito, may hindi lalagpas sa limang taong pagkakakulong at hindi lalagpas sa P40,000 na multa ang maaaring kaharapin ng mapapatunayang nagpakalat ng bomb joke.
Matatandaan kasi na noong taong 1980, ipinatupad ang batas na ito dahil may mga terorista umanong nagbabanta sa buhay noon ni Dating Pangulong Marcos kung inilathala ito.
Sa ngayon, mahigpit na nagpaalala ang awtoridad sa mga nagpapakalat na hangga’t maaari huwag nang gumawa ng ganito dahil malaking kasalanan ang ganitong insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments