SESERYOSOHIN? | DND, umaasang seseryosohin na ng Amerika ang pagbabalik ng Balangiga bells sa Pilipinas

Manila, Philippines – Umaasa ang pamunuan ng Department of National Defense na tuluyan ng ibabalik ng Estados Unidos sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Ito ay kasunod ng mga ginagawang effort o mga hakbang ni US Defense Secretary James Mattis para maibalik sa bansa ang Balangiga bells.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kapag ibinalik ng amerika ang balangiga bells magpapakita ito na totoong seryoso ang amerika sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa Pilipinas.


Panawagan naman ni Lorenzana sa Amerika na huwag sanang gawing gantimpala ang Balangiga Bells dahil nakuha nila ito sa bansa

Una nang inihayag ng Malacanang na welcome sa kanilang hanay ang pagbabalik ng amerika sa Balangiga bells sa bansa.

Ang balangiga bells ay kinuha ng mga Amerikanong sundalo sa Eastern Samar noong 1901 panahon ng Philippine American war.

Facebook Comments