Session at committee hearings sa Senado, face-to-face na simula sa Lunes

Simula sa Lunes, May 30 ay balik na sa face-to-face o physically present na ang mga senador sa pagdalo sa session at mga committee hearing sa Senado.

Alinsunod ito sa deriktiba ni Senate President Tito Sotto III na inihayag niya sa session ngayong hapon sa dahilang wala na sa emergency situation ang bansa at nasa alert level one na lamang.

Kinatigan naman ito ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nagsabi na maging ang mga anak niya ay dumadalo na sa face-to-face classes kaya pwede na rin nila itong gawin sa Senado.


Dahil diyan ay obligado ng pumasok ang mga senador dahil bawal na ang mag-attend ng session virtually.

Magugunitang nagpasya ang Senado na gawing “hybrid” o physical at virtual ang pagdalo sa kanilang mga sesyon at pagdinig simula noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ipinunto ni Sotto na base sa kanilang rules ay pwede naman nilang ipatupad uli ang teleconferencing o gumamit ng electronic means kung kakailanganin.

Facebook Comments