Session sa pamamagitan ng teleconferencing, iginiit ni Senator Zubiri

Kaisa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pagsusulong na gawin ang kanilang nalalapit na session sa pamamagitan ng teleconferencing na ginagawa na rin aniya ng ibang parliaments sa ibang bansa habang may pandemic.

Pahayag ito ni Zubiri kaugnay sa muling pagbubukas ng session ng Senado at Kamara sa May 4.

Paliwanag ni Zubiri, siguradong magiging problema sa 80% ng 3,000 empleyado ng Senado ang pagbiyahe dahil hindi pa nagbabalik ang operasyon ng pampublikong tranportasyon.

Diin pa ni Zubiri, sa pamamagitan ng teleconferencing ay hindi na rin kakailanganin ng mga senador na magpunta sa Senado para makaiwas na mahawa ng virus lalo’t ilan sa kanila ay senior citizen na at may underlying medical conditions.

Paalala pa ni Zubiri, kabilang siya, ay tatlo silang mga senador at tatlong staff ng Senado ang nagpositibo na sa COVID-19.

Ayon kay Zubiri, inihahanda na ngayon ang isang resolution para maidaan sa teleconferencing ang kanilang session.

Ikinatwrian ni Zubiri na ang pagpasok nila sa Senado ay kontra rin sa layunin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments