SESYON | Kamara, handang mag-extend sa Disyembre para sa budget

Handa ang Mababang Kapulungan na i-extend ang sesyon para sa pagtalakay sa 2019 budget hanggang sa Disyembre.

Mababatid na nauna ng sinabi ng Senado na hindi nila mamadaliin ang pagapruba sa budget at itinuturong dahilan ng mabagal na pagsusumite ng pambansang pondo ay ang kontrobersyal na budget insertions sa Kamara.

Ayon kay Deputy Speaker Prospero Pichay, kung gusto ng Senado na mag-extend ng session days hanggang Disyembre 19 ay sasabay lamang dito ang Mababang Kapulungan.


Pero iginiit ni Pichay na dapat piliting matapos hanggang sa susunod na buwan ang P3.757 Trillion 2019 national budget para mapirmahan ito ng Pangulo bago matapos ang taon.

Hindi naman pumapayag ang Kamara na mauwi sa reenacted ang budget.

Umapela si Pichay sa mga senador na intindihin kung bakit natatagalan ang Kamara na maipasa sa Senado ang pambansang pondo.

Aniya, hindi madali na i-realign ang natuklasang P50 Billion sa 2019 budget na kanila pang kasalukuyang inaayos.

Plano ng Mababang Kapulungan na hintaying matapos ang pagtalakay ng Senado sa 2019 budget para agad na maisalang ito sa bicam sa Disyembre.

Pero, hindi naman tiyak ng liderato ng Kamara ang kanilang timetable at pinangangambahan ng Senado na sa huli ay mauuwi sa reenacted ang pambansang pondo.

Facebook Comments