Sesyon sa Kamara, adjourned na; committee hearings at meetings, idaraos pa rin ng mga kongresista

Nagdesisyon ang liderato ng Kamara na magsagawa pa rin ng pagdinig sa panahon na naka-session break ang Kongreso.

Sa ibinabang desisyon ng Mababang Kapulungan, pinahihintulutan ang lahat ng komite na magdaos ng pagdinig at pulong mula March 26 hanggang May 16.

Ang mga pagdinig ay isasagawa sa pamamagitan ng videoconferencing o sa online, bilang pag-iingat na rin kontra COVID-19.


Kaninang alas-9:00 ng umaga ay muling binuksan ang sesyon matapos ang dalawang araw na walang pasok sa Kamara bunsod na rin ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Tinapos ng Mababang Kapulungan ang pag-apruba sa mga mahahalagang panukala kasama na rito ang pagratipika sa panukala na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang Social Security System (SSS) contribution hike ngayong taon.

Pasado ala-1:00 naman nang mag-adjourn ang sesyon sa plenaryo at babalik muli sa May 17.

Facebook Comments