Sesyon sa Kamara, sinuspinde hanggang sa susunod na linggo

Sinuspinde muna ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sesyon simula ngayong araw hanggang sa Lunes, August 17.

Sa inilabas na statement ni Majority Leader Martin Romualdez, ito ay bilang tugon na rin sa panawagan ng mga empleyado sa Kamara na patuloy pa ring pumapasok sa kabila ng pagtaas ng naitatalang nagkakasakit ng COVID-19 sa Batasan Complex.

Ang ilang araw na session break ay magbibigay ng sapat na oras para ma-disinfect ng husto ang lahat ng tanggapan at pasilidad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Layunin din ng pansamantalang break na pagpahingahin ang mga kawani ng Kamara sa maghapong trabaho.

Pagkakataon din ito para bigyang panahon ang mga komite sa Kamara na madaliin ang mga report kaugnay sa COVID-19 measures para maihanda na maisalang sa plenaryo sa pagbabalik sesyon.

Facebook Comments