Settlement agreement, pormal nang inilatag ng kumpanya ng Hong Kong vessel na nakabangga sa lantsa ng mga Pinoy sa Mamburao

Pormal nang nagharap ang mga kinatawan ng MV Vienna Wood at Irma Fishing and Trading Corporation na may-ari ng naaksidenteng FV Liberty 5 sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro noong Hunyo.

Nagharap ang dalawang panig sa headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Maynila kung saan inilatag ng pamunuan ng MV Vienna Wood ang lahat ng mga dokumento para sa kanilang settlement sa pamunuan ng FV Liberty 5 at sa mga kamag-anak ng 12 mangingisda at dalawang pasahero na missing pa rin hanggang ngayon.

Present sa PCG headquarters ang mga abogado ng Irma Fishing & Trading Inc. na sina Atty. Arnold Naval at Atty. Neil Marvin Genzola sa panig ng MV Vienna, present ang kanilang mga abogadong sina Atty. Saben Loyola, Atty. Julius Yan at Atty. Richard Sanchez.


Ipinakita ng magkabilang kampo ang kanilang mga dokumento para sa settlement agreement matapos magkasundo ang pamunuan ng MV Vienna at mga kamag-anak ng mga nawawalang mangingisda.

Una nang sinabi ni PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr., na base sa kasunduan, makakatanggap ng tig-iisang milyong piso ang bawat pamilya ng mga nawawalang mangingisda mula sa pamunuan ng MV Vienna Wood habang P40 million naman ang matatanggap ng Irma Fishing and Trading Corporation.

Facebook Comments