Seven-day quarantine para sa fully vaccinated close contacts, pansamantalang sinuspinde ng IATF

Pansamantalang sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pinaikling quarantine period para sa mga fully vaccinated close contacts ng mga suspected at confirmed COVID-19 cases.

Matatandaang noong Hulyo ay ginawa na lamang pitong araw ang quarantine period para sa mga fully vaccinated individuals basta’t sila ay asymptomatic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyong suspendihin ang protocol ay bahagi ng mga proactive measure ng pamahalaan para mapabagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mapigilan ang pagkalat ng mga variants.


Dahil dito, lahat ng close contact ng mga pasyenteng may COVID-19 ay dapat na sumailalim sa 14-day quarantine.

Kung makaranas ng sintomas o magpositibo sa sakit, dadalhin sila sa ospital o isolation facilities kung saan sila gagamutin.

Facebook Comments