Monday, February 16, 2026

SEVEN HEALTHY HABITS, BINIGYANG-DIIN SA MISTER AND MISS HEALTHY HEART SA URDANETA CITY

Binigyang-diin ang seven healthy habits sa ginanap na Mister and Miss Healthy Heart event sa Urdaneta City noong Pebrero 13, 2025.

Pinangunahan ng Health Promotion Unit ng City Health Office ang aktibidad na naglalayong maiparating sa komunidad ang mahahalagang mensahe ukol sa kalusugan kabilang ang immunization, environmental sanitation, wastong nutrisyon, sexual health, mental health, at ang prinsipyong hindi makapaminsala sa kapwa, kasama ang ikapitong gawi na bumubuo sa kabuuang balangkas para sa holistic well-being.

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kani-kanilang healthy mottos at pagsagot sa question-and-answer segment, naging makabuluhan ang pakikilahok ng mga kalahok at mas naging malinaw at madaling maunawaan ng mga dumalo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kalusugan.

Facebook Comments