Seventh Fleet ng US, dapat ipadala sa South China Sea – PRRD

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos na ipadala ang buong Seventh Fleet nito sa South China Sea kung nais nilang mapigilan ang mga hakbang ng China sa West Philippine Sea.

Ang Seventh Fleet ay ang plotilya ng Amerika na nakabase sa Japan kung saan ang area of responsibility nito ay ang Western Pacific at Indian Oceans.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng dumaraming military activities ng China lalo na sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.


Dagdag pa ng Pangulo – iimbitahan din niya na sumama sa pagsalakay sina Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, dating DFA Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ang tatlo ay masugid niyang kritiko ay may matibay na paninindigan laban sa pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Iginiit din ng Pangulo na hindi madaling palayasin ang China.

Facebook Comments