Severe cases ng COVID-19, nakapila sa San Lazaro Hospital sa Maynila

May pila pa rin ng mga severe na kaso ng COVID-19 sa Intensive Care Unit (ICU) ng San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Hepe ng Infectious Disease ng San Lazaro, puno pa rin ang ICU ng ospital.

Nananatili aniya sa COVID ward ang mga severe case na matamang inaasikaso ng pagamutan habang hindi pa sila mailipat sa ICU.


Nilinaw naman ni Dr. Solante na hindi puno at tumatanggap pa ng pasyente ang San Lazaro Hospital para sa moderate case mg COVID-19.

Tuloy rin aniya ang pagtanggap ng outpatient na mga nagpapakonsulta para sa ibang sakit ang ospital mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes at half-day tuwing Sabado.

Facebook Comments