Patuloy pa rin ang pagtaas ng malulubhang kaso ng COVID-19 sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Ayon kay Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante, ito na ang pinakamahabang panahon na walang pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa San Lazaro Hospital.
Maging ang mga health workers ay nagkakasakit na rin dahil sa dami ng mga pasyenteng dapat tutukan.
Panawagan ni Dr. Solante sa pamahalaan na ibigay sa tamang oras ang Special Risk Allowance ng mga health workers dahil marami sa kanila ang gusto nang magbitiw sa kanilang trabaho.
Dahil ito sa matinding stress sa trabaho at bukod pa ang banta ng virus sa kanilang kalusugan dahil sa exposure sa mga may sakit.
Ibinabala naman ni Solante na kung sakaling tumaas pa ang kaso ng COVID-19 ay posibleng hindi na ito kayanin ng ilang ospital, partikular ang mga umaasa sa reimbursement o bayad ng Philhealth.