Severe tropical storm Odette, nakapasok na sa bansa; Signal Number 1, nakataas na sa 4 na lugar

Nakapasok na ng bansa kagabi ang severe tropical storm Odette na may international name na Rai.

Huli itong namataan sa layong 890 kilometers silangan ng Mindanao.

As of 11pm, taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 km/h.


Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Dahil sa bagyo, nakataas na ang Signal Number 1 sa Southeastern portion ng Eastern Samar (kinabibilangan ng Guiuan, Mercedes at Salcedo), Dinagat Islands, Eastern portion ng Surigao del Norte (kinabibilangan ngClaver, Surigao City, Tagana-An, Placer, Gigaquit, Bacuag) kasama na ang Siargao, Bucas Grande Islands at Northern portion ng Surigao del Sur (kinabibilangan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Cortes, Carmen at Lanuza)

Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Odette sa bisinidad ng Caraga o Eastern Visayas bukas ng tanghali o gabi.

Facebook Comments