SEVILLA BRIDGE REHAB | Traffic plan ng MMDA, inilabas

Manila, Philippines – Naglabas na ng traffic plan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa rehabilitasyon sa Sevilla Bridge sa San Juan City na magsisimula bukas.

Ang Sevilla Bridge ang nagdudugtong sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at sa P. Sanchez sa Maynila.

Sa abiso ng MMDA sa mga motorista na pa-Eastbound narito ang maaring daanan:


Mula sa Magsaysay Boulevard, kanan sa old Sta. Mesa/Valenzuela Street at kanan sa Cordillera, kaliwa sa lubiran patungong Boni Avenue hanggang Maysilo Round About Exit sa F.B. Martinez Avenue at kanan sa Shaw Boulevard patungong destinasyon

Pwede ring mula sa Magsaysay Blvd. ay kumanan sa V. Mapa at kanan muli sa old Sta. Mesa ; kaliwa sa Reposo street, kaliwa sa Valenzuela, at kanan sa V. Mapa ; kanan sa bagumbayan street at kaliwa sa Lubiran ;kaliwa sa Kalentong at kanan sa Shaw Blvd patungo sa destinasyon

Para sa mga pa-Westbound naman :
Mula sa Shaw Boulevard kanan sa F. Blumentritt St.; kaliwa sa F. Manalo St. at kanan sa old Santa Mesa, kaliwa sa Araneta Avenue patungo sa destinasyon

O mula sa Shaw Blvd. kanan sa Gomezville/Hoover/Haig; kanan sa F. Blumentritt St., kaliwa sa F. Manalo St. at kaliwa sa old Santa Mesa, kanan sa V. Mapa; kaliwa sa Aurora Boulevard patungo sa destinasyon.

Pwede ring mula sa Shaw, kumanan sa F. Blumentritt St., patungong N. Domingo Street, patungo sa destinasyon

Facebook Comments