Isasara muli ang Sevilla Bridge sa Mandaluyong sa mga sasakyan na tatagal ng isang buwan na magsisimulang na bukas at magtatapos April 14 mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, ito ay para bigyan daan muli ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Skyway Stage 3 project.
Pag dating anya ng alas-5:00 ng umaga, muli itong bubukas sa mga motorista, pero one-way traffic lang sa papuntang Maynila.
Kaya naman inaabisuhan ang mga mula Maynila na dumaan sa alternatibong ruta:
Kanan sa Bagumbayan, at Kaliwa sa Lubiran (Bacood Bridge) patungong New Panaderos papunta sa destinasyon.
Ang nasabing tulay ay dumadaan sa San Juan River at kumokonekta sa Shaw Boulevard sa Burol, Mandaluyong at P. Sanchez Street sa Sta. Mesa, Maynila.
Ito na ang pang anim na beses na isinira ang nasabi tulay mula ng gawin ang konstruksyon ng 18.68 kilometer elevated expressway.