Manila, Philippines – Pinalalagyan ng watchlist ng mga “sex offenders” ang lahat ng mga paaralan at barangay sa bansa.
Ayon kay 1-Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro, ito ay magsisilbing babala sa mga estudyante para mag-ingat sa mga taong posibleng lumapit sa kanila.
Kaakibat ng ilalabas na watchlist ang mga pag-iingat na dapat gawin ng mga kabataan laban sa mga pang-aabuso.
Ang mga registries at watchlists ng mga sex offenders ay maaaring gawin sa bawat barangay na ibabahagi naman sa lokal na pulisya at mga paaralan.
Ilang insidente na aniya ng panghahalay sa mga estudyante ang nakaabot sa kanyang tanggapan.
Dahil dito, hinimok nito ang mga lungsod at probinsya sa bansa na gawing institutionalize ang mga watchlist sa pamamagitan ng paglikha ng mga local ordinances.
DZXL558, Grace Mariano