Manila, Philippines – Ibinasura ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang apela ng tatlong kadete na na-expel matapos pwersahin ang dalawang plebo na magsagawa ng oral sex.
Ayon kay PNPA Director, Chief Superintendent Chiquito Malayo – kinumpirma niya na natanggap ng academy board ang motion for reconsideration na inihain ng cadet 2nd class (third year) at dalawang 3rd class (second year) para baligtarin ang naunang desisyon na isipa silang tatlo sa akademya.
Ani Malayo – denied na ang kanilang mosyon pero maari pa rin silang umapela kahit final and executory na ito.
Ang apela ay maaring ihain sa Philippine Public Safety College (PPS) na may supervision at control sa PNPA.
Facebook Comments