SEX SCANDAL | Mga kadete na sangkot sa kahalayan, pinatatalsik na!

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Philippine National Police Academy Director Police Chief Superintendent Chiquito Malayo na pinatatalsik na nila sa PNPA ang tatlong plebo na nasangkot sa sexual abuse kamakailan.

Aniya ito ay resulta ng isinagawang imbestigasyon na pamunuan ng PNPA.

Aniya epektibo ngayong araw ang inilabas nilang desisyon.


Pero binibigyan ng 48 hours ang mga plebo na maghain ng motion for reconsideration.

Anuman aniya ang magiging resulta ng motion for reconsideration na maari nilang ihain sa Philippine Public Safety College o PPSC.

Hindi naman tinukoy ni Malayo ang pangalan ng mga plebo na nasangkot sa kalaswaan kamakailan.

Facebook Comments