Sex-trafficking case laban kay Pastor Quiboloy, paninira lang – KJC legal counsel

Itinanggi ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name ang mga kaso laban sa kaniya.

Ayon sa KJC legal counsel, “a vicious attempt” o isang tangka ang naturang kaso para pabagsakin si Quiboloy.

Ang mga umaakusa aniya kay Quiboloy ay siya ring mga taong nagtangka pabagsakin siya noon sa Hawaii.


Iginiit din nito na nananatili ang kanilang suporta kay Quiboloy at sa iba nilang lider na dawit sa nasabing akusasyon.

Naniniwala rin anila sila na lalabas ang katotohanan.

Batay sa Department of Justice ng Amerika, kinasuhan nila ng sex trafficking si Quiboloy dahil sa pang-aabuso sa mga babaeng edad 12 hanggang 25 na mga miyembro rin ng KJC.

Ang mga biktima ay pinilit umanong makipagtalik kay Quiboloy at tinakot din sila ng “eternal damnation” o pagkasunog sa impyerno.

Facebook Comments