SGMA, hindi gagamitin ang posisyon para maipasa ang legalization ng Marijuana

Manila, Philippines – Hindi gagamitin ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang posisyon para maipasa sa kamara ang pagsasalegal sa medical marijuana.

Ito ang binigyang-diin ni Arroyo sa kabila ng pag-amin nito na gumagamit siya ng marijuana bilang gamot.

Tiniyak ng mambabatas na rerepasuhin niya ang gusto ng karamihan sa kamara at hindi gagamitin ang kanyang posisyon para maipasa ito.


Nabatid na isa rin si Arroyo sa mga may-akda ng house bill 6517 o philippine compassionate medical cannabis act na naglalayong amyendahan ang republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments