Manila, Philippines – Kahirapan ang nakikitang dahilan ni House Speaker Gloria Arroyo kaya laganap pa rin ang terorismo sa bansa.
Naniniwala si Arroyo na epekto ng kahirapan ang nangyaring pinakahuling twin bombing sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng hindi bababa sa 20 katao.
Sinabi ni Arroyo na malaking problema pa rin ang kapayapaan at kaayusan sa malaking bahagi ng Mindanao dahil hindi pa rin ganap na nareresolba ang problema sa kahirapan.
Kampante naman ang House Speaker na makakatulong ang niratipikahang Bangsamoro Organic Law (BOL) upang mapaunlad at matuldukan ang terorismo sa rehiyon.
Tiniyak nito na ginagawa na rin aniya ng gobyerno ang lahat ng hakbang para matulungan ang mga taga-Mindanao
Facebook Comments