Manila, Philippines – Dinalaw kaninang umaga ng medical team ng Kamara sa Manila East Medical Center sa Taytay Rizal si Customs Commissioner Nicanor Faeldon kung saan kasama na pumunta si House Sgt. & Arms Roland Detabali.
Ayon kay Detabali, nakausap nila ang attending physician ni Faeldon at hawak na ng Kamara ang kopya ng medical records nito.
Nakausap din umano niya si Faeldon na nagpahayag ng kahandaan na humarap sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa 6.4 Billion na iligal na droga na pinalusot sa BOC.
Wala na sa ICU si Faeldon kundi nasa isang regular room at naka dextrose pero in high spirits pa rin ito.
Lalabas na mamaya si Faeldon sa ospital pero pinayuhan ng mga doktor nito na magpahinga pa ng 3 araw bago bumalik sa trabaho at humarap sa hearing sa susunod na linggo.
Samantala, sa ibang balita, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 2nd division kay Senator Gringo Honasan kaugnay sa 2 bilang ng graft charges o paglabag sa section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act na kinakaharap nito dahil sa iligal na paggamit ng pork barrel noong 2012.
Sinasabing naglaan ng P30 million livelihood and enterprise projects para sa Muslim communities si Honasan gamit ang PDAF nito na hindi sumunod sa itinatakda ng procurement law.