Sgt at Arms ng RLA-ARMM na binaril patay inilibing na, sugatang suspect bantay sarado sa hospital

*Inilibing na noong sabado ang Sgt at Arms ng Regional Legislative Assembly ng ARMM na binaril ng dalawang riding in tandem criminals noong biyernes ng hapon sa tapat ng Villa funeral homes ngunit isa sa mga suspect ang napatay at isa ang sugatan na nagpapagaling sa pagamutan.*
*Ayon kay City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, na hindi pa nila matukoy kung anu ang dahilan at kung bakit binaril ng mga suspect ang Sgt at Arms ng RLA…Posibleng may kaugnayan sa trabaho o nakalaban ang biktima..*
*Tinamaan sa ulo si Alfredo Jun Tumbago habang nakasakay sa kanyang Ford Ecosport, na dead on arrival sa CRMC, ngunit nagkataon naroon ang tropa ng mga marines sa lugar kayat binanatan din ang mga gunman at namatay ang isang suspect nasi Mohamad Saod Andes habang sugatan si Bajorie Karim. Si Karim ay bantay sarado ngayon sa CRMC na nagtamo ng tama sa puwet mula sa M-16 armalite rifle.*

Facebook Comments