SHABU AT LOOSE FIREARM NASAMSAM MULA SA ISANG CONSTRUCTION WORKER SA TAYUG

Naaresto ng mga tauhan ng Tayug Municipal Police Station ang isang 32 anyos na construction worker at residente ng Tayug matapos isilbi ang dalawang Search Warrant laban sa kanya kaugnay ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng isang Search Warrant para sa mga nabanggit na paglabag.

Ang operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng PDEA RO1 at nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakasamsam ng 29.4 gramo ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price (SDP) na 199,920 pesos, drug paraphernalia, isang Caliber .38 revolver na walang serial number, dalawang (2) live ammunition para sa Cal. .38, at iba pang ebidensya.

Nasa kustodiya ngayon ang suspek sa Tayug MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments