Shabu ipinalaman sa Siopao, 3 arestado

Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buybust operation ng PDEA ARMM sa bahagi ng RH 8 Cotabato City.

Kinilala ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin ang mga nahuli na sina Erwin John Tamala Teves, 21 years old, habal- habal driver ,residente ng Rosales St., Rosary Heights 6, Albert Caling Forton aka Abet 30 yrs old, jobless and a residente ng Rosales St., Rosary Heights 6, at Bhonever Tigon Cruz aka Bon2x, 29 yrs old, jobless and a residente mg Virgo Subdivision , Rosary Heights 9, Cotabato City.

Nakumpiska mula sa mga ito isang sachet ng shabu na nagtitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng 25,000 pesos , isang pirasong 500 peso at sa ilalim nito ang 49 na photocopied 500 peso bill .


Sinasabing ipinalaman ng mga suspects ang shabu sa loob ng Siopao, Kasalukuyang nasa custody na ng PDEA ARMM ang mga naaresto.

Facebook Comments