Manila, Philippines – Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at QCPD ang shabu laboratory na matatagpuan sa 5 Caroline Street Brgy. Baesa QC.
Bitbit ang search warrant pinasok ng mga operatiba ng PDEA at QCPD ang naturang warehouse na pagmamay-ari ni Kwok Kwen Yu pero hindi na naabutan si Yu sa lugar.
Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde maari umanong makapag-produce ng 200 kilo ng shabu ang kanilang nakumpiska, sa tulong na rin ng mga residente roon.
Dagdag pa ni Albayalde na aabot sa bilyon bilyong piso ang halaga ng shabu kapag naipamahagi na sa merkado ang nakumpiska ng PDEA at QCPD.
Inihahanda na rin ng PDEA ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa kay Yu.
DZXL558, Silvestre Labay