Shabu laboratories ng Maute sa Marawi, target na rin ng AFP

Manila, Philippines – Target na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghahanap ng mga pagawaan ng shabu sa Marawi City.

Ito’y kasabay ng pagtugis sa mga natitirang miyembro ng Maute at Abu Sayaff Group sa lungsod.

Ayon kay joint task force Marawi Spokesperson, Lt. Col. Jo-Ar Herrera – malaki ang kanilang hinala na bangag sa droga ang mga terorista na kanilang tinutugis sa kasalukuyan.


Pero ipinagmalaki ni Herrera – unti-unti nang napapasok ng militar ang apat na natitirang barangay na hawak ng Maute Group.

Dagdag pa ni Herrera – humihina na ang pwersa ng kalaban.

Tantya ng militar, nasa 100 hanggang 120 miymbro pa ng terorista ang nasa marawi habang nasa 300 hanggang 500 pa ang mga naiipit na sibilyan.

Facebook Comments