Manila, Philippines – Ipapasa na ng Quezon City Police District (QCPD) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang imbestigayon sa pagkakadiskubre sa pinaghihinalaang shabu laboratory sa Novaliches Quezon City kahapon ng hapon.
Ipapaubaya ng pulisya sa PDEA ang pagtukoy sa mga taong sangkot sa umano ay operasyon ng paggawa ng illegal drugs isang apartment na matatagpuan sa Rillo Compound Unit 16, Kings Christopher, Kingspoint Subdivision sa Barangay Bagbag.
Nadiskubre ng pulisya ang lugar ng ipagbigay alam ng isang Joy Gacutan, caretaker ng apartment matapos abandonahin ito ng mga nangungupahan.
Basta na lamang naglaho ang isang alyas King Lee,isang Chinese looking at ang kasamahang babae na hindi na nagbayad ng upa sa loob ng 7 buwan.
Sa tulong sa pulisya, binuksan ang abandonadong apartment at nakita ang ilang equipment at chemicals na ginagamit sa clandestine operation o paggawa ng shabu.
Nasa pangangalaga na ng QCPD ang mga kinumpiskang kagamitan at kasamang iturn over ito sa PDEA para sa kaukulang disposisyon.