Shabu laboratory sa isang subdivision sa Cainta Rizal, natuklasan ng Cainta Police at PDEA

Manila, Philippines – Nadiskubre kagabi ng mga tauhan ng Cainta City Police at PDEA ang isang abandonadong bahay na ginawang shabu laboratory sa Vista Verde, Executive Village, Cainta, Rizal.

 

Ayon kay Cainta Chief of Police  P/Supt. Elpidio Ramirez, nirerentahan ng mga dayuhan na nakatakas ang nasabing shabu lab.

 

Sabi ni Ramirez, kayang gumawa ng hanggang isang daang kilo o katumbas ng 250 milyong piso kada linggo ang shabu laboratory.

 

Naging matagumapay  aniya ang operasyon matapos na mismong ang may-ari ng bahay ang nagtimbre sa mga awtoridad.

 

Bagamat walang nasamsam na shabu na posibleng nailabas na narekober naman ng mga awtoridad ang isang trak ng mga kagamitan sa pagmanufacture ng shabu.

 

Sa ngayon, ayaw pang tukuyin ni Ramirez ang pangalan ng mga nagrerenta ng nasabing apartment dahil sa nagpapatuloy na follow up operation laban sa mga ito.




Facebook Comments