Shabu na isinilid sa kaha ng sigarilyo ng drug surrenderer sa Pangasinan, nabisto

Timbog ang drug surrenderer sa buy bust operation matapos nitong ilagay ang pakete ng shabu sa kaha ng sigarilyo sa Brgy. San Felipe Sur Binalonan Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Edrian Villanueva, 27 anyos at residente ng naturang bayan.
Nabisto ang tatlong pakete ng shabu na inilagay ng suspek sa kaha ng sigarilyo.
Nakuha rin ang marked money, cellphone at motor nito na ginamit sa transaksyon ng iligal na droga.
Kasong paglabag sa Comprehensive Damgerous Drugs Act kakaharapin ni Villanueva na kasalukuyang nasa detention cell ng PNP Binalonan.
###

Facebook Comments