SHABU SHIPMENT | Dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, tiwalang mababasura ang inirekomendang kaso laban sa kanya

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Customs Chief Nicanor Faeldon na “mananaig ang katotohanan” matapos irekomenda ng Ombudsman na kasuhan siya hinggil sa P6.4 bilyong shabu shipment na nakalusot sa BOC noong nakaraang taon.

Ito ay matapos makitaan ng fact-finding team ng Ombudsman na sampahan ng kasong administratibo at kriminal si Faeldon.

Ayon kay Faeldon, tiwala siyang mababasura rin ang mga inirekomendang kaso laban sa kanila ng Ombudsman.


Makikipagtulungan din aniya siya sa imbestigasyon sa kaso.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ginagalang nila ang desisyon ng Ombudsman na nagrerekomendang kasuhan si Faeldon at iba pa.

Aniya, ito na ang pagkakataon para madepensahan ni Faeldon ang kaniyang sarili sa gagawing preliminary investigation.

Facebook Comments