Manila, Philippines – Pinaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte si resigned Customs Intelligence Officer Jimmy Guban kaugnay ng P6.8 bilyong shabu shipment na nakalusot sa bansa sa pamamagitan ng magnetic lifters.
Sa kaniyang talumpati sa Malacañang sinabi ng Pangulo na ipinag-utos na niya kay Philippine National Police PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pag-aresto kay Guban na sangkot sa pangingikil.
Magugunitang si Guban ay na-contempt sa Senado at Kamara dahil sa magkakaibang pahayag sa mga pagdinig hinggil sa nakalusot na shabu shipment.
Sa ngayon ay nakakulong si Guban sa Senado.
Facebook Comments